Ayokong Alamin

by River Strauss

/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.

      name your price

     

lyrics

Nasaan ang isipan mo
Tuwing tahimik ka't tulala?
Dapat ba kong mag-alala
Kapag di mo ko kasama?
Mag-tatanong sana
Kung saan ang 'yong punta
Pero baka mas mainam pa atang di ko na alam

Di ko na alam
Wala akong alam
Dapat ba kong kabahan
O hahayaan ko na lang?

Para bang tumatagos
Mga kamay ko sa palad mo
Iyong tingin ba'y bumabaling
Tuwing siya'y nasa paligid
Sino siya? (Sino siya?)
Kaibigan lang? (Kaibingan nga ba?)
'Wag ba dapat mangamba ('Wag ba dapat mangamba)
Pero baka mas mainam pa atang di ko na alam

Di ko na alam
Wala akong alam
Dapat ba kong kabahan
O hahayaan ko na lang?

Pasensya na kung lagi akong nauunahan ng kaba
Nakakapit naman ako sa sinulid ng tiwala
Ayoko lang masorpresa kapag hinalikan kita
At matikman ko sa labi mo ang labi ng iba
Di ko na alam

Di ko na alam
Walang kaalam-alam
Kung may lihim ka man
Hahayaan na lang at magaabang
Na sa'yo na lang manggaling
Dahil sa ngayon
Ayokong alamin

credits

released January 19, 2017

tags

license

all rights reserved

about

River Strauss NCR, Philippines

Acoustic pop-punk/emo singer/songwriter guy from Mandaluyong, Philippines. Influences include The Wonder Years, Real Friends, Mayday Parade, All Time Low, blink-182, Green Day, and a bunch of other bands.

contact / help

Contact River Strauss

Streaming and
Download help