Pasmado

by River Strauss

/
  • Streaming + Download

    Includes high-quality download in MP3, FLAC and more. Paying supporters also get unlimited streaming via the free Bandcamp app.

      name your price

     

lyrics

Kay tamis ng unang palitan ng pangalan
Gunitang di maiwasang balikan
Pero kay pait ng huling palitan ng paalam
Nakaraang matalim, kinakapitan

Hindi ko mabura sa isipan ang kanyang mga mata
Nung kuminang sa sinag ng tanghaling tapat
Alaala'y lumalangoy sa serbesa
Habang hinihila ako pababa

Pangalan niya'y lasang asukal sa tuwing sasambitin
Pero ngayo'y iniiwasang marinig
Please lang wag niyo na kong balitaan
Ayoko nang malaman
Sino bago niyang laruan

Pasmadong mga kamay ko, umaayos kapag hawak mo
Nerbyosong puso kumakalma sa piling mo

Ilang buwan o taon pa ba ang dapat lumipas
Bago tuluyang lubayan nitong lumbay
Minsan na lang mag-mahal
Lagi namang di na-titimingan

Pangalan niya'y lasang asukal sa tuwing sasambitin
Pero ngayo'y iniiwasang marinig
Please lang wag niyo na kong balitaan
Ayoko nang malaman
Sino kasama niya kagabi

Pasmadong mga kamay ko, umaayos kapag hawak mo
Nerbyosong puso kumakalma sa piling mo
Ngayong nag-iisa, nangangambang matulog
Takot managinip ng nag-mumultong pangako

Okay lang
Kahit wala ka na ngayon sa buhay ko
Uulit-ulitin kong "okay lang ako"
Uulit-ulitin hanggang magka-totoo

credits

released June 21, 2016

tags

license

all rights reserved

about

River Strauss NCR, Philippines

Acoustic pop-punk/emo singer/songwriter guy from Mandaluyong, Philippines. Influences include The Wonder Years, Real Friends, Mayday Parade, All Time Low, blink-182, Green Day, and a bunch of other bands.

contact / help

Contact River Strauss

Streaming and
Download help